Farm Box meets…

Aling Marie and her story of going back to farming

“Tinuturo ko sa mga anak ko ang pagsasaka dahil kahit anong mangyari, kung marunong sila magsaka, hindi man sila magtagumpay sa ibang bagay, may pwede silang balikan kasi ‘yung karunungan na ‘yun hindi naman mawawala sa kanila.”

– Aling Marie, farmer for 20 years

Do you know that the average age of Filipino farmers at present is 57 years old? Why Is this number alarming? Yes, it is alarming because in few years’ time, the farmers will reach their retirement age. Aside from this, according to Philippine Statistics Authority, from 2013 to 2015, there was a steady decline of an average of .53 to 1.39 percent on the country’s agricultural employment rate.

Meet, Aling Marie, farmer for 20 years and one of the partner farmers of Farm Box. She is the recipient of crop boxes to plant Ampalaya. Read her story and know how she passed on the knowledge of farming to her children, how farming become her safeguard and why farming makes her happy.

Q1: Magpakilala po kayo?
Aling Maria: Ang pangalan ko po ay Flora Gatdula, kilala po ako dito na Marie. Ako pay 50 years old na, may asawa po ako, apat na anak. May asawa na po ang panganay ko, ang kasama ko sa bahay ay ang dalawa kong anak na siyang tumutulong sa akin sa pagtatanim.

Q2: Ilang taon na po kayo nagsasaka o nagtatanim?
Aling Maria: Matagal na rin, siguro mga 20 years na.

Q3: Kumusta naman po ang experience or karanasan niyo bilang magsasaka?
Aling Maria: Mahirap pero masaya. Ako talaga, masaya ako tuwing magtatanim ako. Lalo pa nasusubaybayan ko talaga ang paglaki at pagbunga. Nakakalibang at nakakataba ng puso na makita ‘yung pinaghirapan mo ay nagbubunga. Nakikita mo na lumalaki yung binhi, nagakakabulaklak, nagkaka-buko na (starting to bear fruits/vegetables) tapos pinipitas mo na ang bunga. Nawawala ang pagod ko.

Q4: Ilang taon na po kayo nagsasaka o nagtatanim?
Aling Maria: Tuwing may bagyo. Hindi moa lam kasi kung anong mangyayari. Dati nasira ng bagyo ang mga tanim ko. Wala naman akong magawa, natulog ako at gumising, lalaban ulit. Susubok pa rin para sa pamilya ko.

Q5: Ano po ‘yung natutunan niyo sa sitwasyon na ‘yun?
Aling Maria: Laban lang. Huwag sususko. Huwag mawawalan ng pag-asa. At agahan ang pagtatanim. Huwag sumabay sa bagyuhan. *laughs*

Q6: Bakit po pagsasaka ang napili niyo? Ano pong pangarap niyo?
Aling Maria: Tulad ko, nagtrabaho ako sa Maynila pero nandito ako ngayon, bumalik. Kumikita ako doon ng regular pero hindi yun talaga ang para sa akin. Gusto kong bumalik. Ngayon, tinuturo ko sa mga anak ko ang pagsasaka dahil kahit anong mangyari, kung marunong sila magsaka, hindi man sila magtagumpay sa ibang bagay, may pwede silang balikan na yayakap at tutulong sa kanila, ang pagsasaka.

Q7: Ano pong masasabi niyo sa mga kabataan at paano niyo po sila ma-e-encourage na ma-involve sa agriculture o pagsasaka?
Aling Maria: Ang pagiging magsasaka ay hindi madaling buhay pero masaya. Mahirap pero nakakalibang. Sana ay magpatuloy pa rin ang pagsasaka.

Q8: Bilang isa sa mga partner farmers ng Farm Box, anong masasabi niyo po na may mga ganitong organisayon at ‘yung mga taong nagbigay ng tulong sa inyo?
Aling Maria: Ako ay masaya. Nakakataba ng puso. Gigising ako sa umaga na hindi ko na aalalahanin kung saan ako kukuha ng pera pang puhunan. Buti at may mga ganito na. Sana ay mas marami pa kayong matulungan.

Our conversation and kwentuhan with Aling Marie is such an eye-opener. Her story drives us to fulfill our purpose. We at Farm Box will continue to help them.

Visit our social media accounts at farmboxonline and our website www.farmboxonline.com for more stories like Aling Marie’s.

Let’s help our local farmers one box at a time.
Not yet registered? Sign up for free at www.farmboxonline.com/register

Farm Box is a social enterprise that provides support and assistance to the local farmers based in the Philippines.

support@farmboxonline.com

© copyright Farm Box 2021

Home

How it works?

FAQs

Gallery

Blog

Be our partner

Terms & Conditions

Leave a Reply